Tuesday, January 5, 2010

My Daily B.I.T.E.S.

Please do visit my blogsite http://www.epbites.blogspot.com for my daily updates of life under the sun.

Dito po ako araw araw nagsusulat ng mga kaganapan sa ating mundo.

My B.I.T.E.S. stands for


B - alita
I - mpormasyon at
T - alakayan of
E - verything under the
S - un

Bisitahin po ninyo at sabay sabay nating pag-usapan at talakayin ang ating buhay sa ilalim ng araw.

Tiyak na mag-eenjoy kayo sa samut-saring inyong mababasa at matutunghayan sa pahinang ito.

Kahit ano at kahit sino puwedeng pag-usapan dito.

Tara, kuwentuhan na!

Thursday, August 6, 2009

To Willie Revillame of Wowowee




To Willie,




Idol, nais ko lang sanang ipaalala at ipaalam sa iyo ang ilang mga maling gawi o actuations mo lately sa TV.




Alam mo, I have admired you and lagi kitang ipinagtatanggol sa tuwing may mga tao na naninira o hindi nakakaintindi sa iyo, dahil I have always belived in you.




Naniniwala naman kasi ako sa galing at husay mo bilang isang entertainer, at sa sinseridad mo bilang isang tao.




But lately ay meron ka nang mga ginagawa sa TV na tila ba hindi na akma sa panlasa naming mga nanunuod sa iyo.




Pinakalatest ay ang ginawa mong "pambabastos" sa TV coverage ni President Cory sa iyong show.




I do understand that it is your show, and dapat ay igalang ka sa anumang bagay na ginagawa para sa iyong show at para din sa aming mga televiewers mo.




But then don't you ever forget na Mahal din namin si Cory dahil sa mga nagawa niya para sa atin. At anumang bagay na gawin sa iyong show in her tribute ay , hinding hindi makakasama para sa amin! Gaano mo man kami gustong pasayahin!




Willie , lahat ay pwedeng magawa kapag patay na ang camera!




Kung meron kang ayaw, huwag mong ipangalandakan sa harap ng camera, dahil diyan ka matatalo. Kung meron kang hindi gusto, sabihin mo sa likod ng kamera, hindi yung nakaharap ka sa camera at nakikita at nariring ka ng milyun milyong tao, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.




Ganun din kapag may pinapagalitan ka na mga staff mo o kasama sa show na nagkakamali. Natural lang tayong magkamali dahil tao lang tayo. At maaari din naman natin silang pagalitan kung talagang palpak sila.




Pero Willie, por Diyos por Santo, huwag mong gawin lahat ito sa harap ng camera, please!




Hindi mo lang alam Willie kung gaano ito kasakit sa isang tao na mapagsabihan at mapagalitan at mapahiya sa harap ng milyun milyong tao. Siguradong nakatanim ito sa puso nila.




Sana lang hindi totoo ang bali-balita na lumalaki na nga ang ulo mo dahil sa kasaganaang tinatamasa mo ngayon!




Manatili ka pa ring nakatapak sa lupa. At huwag masyadong matayog ang lipad. Dahil kapag nabalian ka ng pakpak, siguradong mataas din ang iyong bagsak at lagapak!

Saturday, August 1, 2009

Paalam, Cory...we will miss you!


Isa na namang haligi ng buong mundo ang binawi ng ating Maykapal upang Siya ay makapiling habambuhay .

Ang ating pinakamamahal na Pangulo ay sumakabilang buhay na kaninang 3:18 ng madaling araw sa Makati Medical Center.

Hindi ko mawari , ngunit nabagbag na naman ang aking puso dahil sa maagang pagpanaw ng isang personalidad na naging simbolo ng paglaban sa diktadurya at makapangyarihan at siyang nagbalik ng Demokrasya dito sa ating bansang Pilipinas. Bagamat hindi pa tayo nakakarecover sa maagang pamamaalam ng maalamat na si Michael Jackson, heto at muli tayong ginulat ng isang balita na ang ating Pangulo ay yumao na.

Bagamat hindi natin personal na kilala ang Pangulo, subalit ramdam ko at dama ko ang kanyang natatanging kabutihan na hindi niya ipinagkait para at alang alang din sa ating mga Pilipino. Kaya naman tumatak ng husto ang kanyang pagiging isang Ina na nagmamahal at kumakalinga sa kanyang mga anak,walang iba kundi tayong mga Pilipino.

Kaya naman sa kanyang pagkawala ay labis tayong nagdalamhati.

Ang nais ko na lamang isipin at tumatak sa ating gunita ay ito: na hindi naman talaga tayo iniwan ng ating mahal na Pangulo; bagkus ay nandiyan pa rin siya at alam kong nakatanaw sa ating mga Pilipino mula duon sa dibdib ni Amang Abraham.

Alam kong masaya at maligaya na siya dahil nagkapiling na sila ng kanyang pinakamamahal na asawang si Benigno " Ninoy" Aquino.

Nakikini-kinita ko rin kung papaano siya sinalubong ng ating Panginoon at sinabihan nang mga katagang: " Halika, pumasok ka aking matapat , mahusay at mapagkakatiwalaang alagad, naganap mo nang buong husay ang iyong misyon sa mundo, halika at panahon na upang ikaw ay magpahinga sa aking tahanan."

Paalam Mahal na Pangulo, mami-miss ka po namin!!!!!!

Tuesday, July 28, 2009

A Prayer for Cory



For Cory,




Panginoon, ikaw na po ang bahala sa aming mahal na Pangulong si Cory Aquino.




Nalalaman po naming napakahirap nang kaniyang pinagdaraanan sa ngayon.




Subalit naiintindihan din po namin na ang lahat ay nagaganap dahil sa Iyong kalooban.




Anu't anuman, gawin mo po kaming malakas upang matanggap anuman ang Iyong maging




hatol tungkol sa kanyang kalagayan.




Wala po kaming magagawa kung ano ang Iyong kalooban at kagustuhan. Thy will be done




Lord.




Subalit isa lamang po ang aming ninanais at hinihiling sa Iyo.




Anuman po ang paghihirap at sakit na dinaranas po ng aming mahal na Pangulo , sana lang




po, kundi man mawala , ay mabawasan man lang ito upang hindi siya mas lalong mahirapan.




Lord, naging mabuti Ka sa aming lahat, lalong lalo na sa pamilyang Aquino.




Ngayong nangangailangan sila ng pagkalinga at pagmamahal na nanggagaling sa Iyo, Ikaw




po ang magbigay ng kapayapaan sa kanila.




Ipadama mo po sa kanila na sila ay Iyong minamahal at hindi Mo sila pababayaan.




Lord, ang amin pong dalangin, ang Iyong pagpapala at Dakilang Puso ang maghari sa




aming lahat sa ganitong panahon at pagkakataon.




Ikaw po ang aming Diyos. Ikaw ang aming lakas at tanggulan.




Salamat po sa Iyo. Aming mahal na Ama.




Purihin ka .




Amen.

Monday, March 9, 2009

Paalam, Francis M....


isa na namang haligi ng industriya ng entablado ang nagpaaalam sa ating kalagitnaan nang hindi inaasahan.

tunay na nakakabigla, isang tanghali, habang pinanonood ko ang paborito kong programa na Eat Bulaga, bigla na lang itinigil ang isang laro nito na Sa Pula, Sa Puti upang bigyang daan ang isang announcement: namatay na nga ng araw na iyon, March 6,2009, ang tinaguriang Filipino King of Rap na si Francis Magalona.

tunay na nag-iwan ng isang legacy ang Man from Manila bilang kauna-unahang Pinoy na nagpasimula sa kamalayan ng mga Pilipino sa Rap Music bilang isang porma ng awitin na pwede nating pasukin bilang isang medium ng ating musika.

Francis Magalona,like Mitch Valdez had said " had lived a short but meaningful life" na naipamana niya sa atin. mapalad pa rin si Francis, dahil bagamat maiksi ang buhay na inilagi niya dito sa daigdig, ay nagawa niya itong makulay at puno ng inspirasyon at pag-asa para sa ating mga naiwan niya. nagawa niya ang misyon niya sa mundong ito na ibinigay sa kanya ng Panginoon. at dahil duon ay matagumpay ang kanyang naging buhay dito sa mundo.

marahil ay tapos na ang misyon na ipinagawa sa kanya ng Maykapal kaya dinala na siya sa sinapupunan ni Amang Abraham.

at alam ko habang papasok siya sa templo ng ating Panginoon upang humimlay sa Kanyang Kandungan ay sinasabi ng ating Diyos na:

" halika aking butihing anak.....humimlay ka sa aking kandungan.... damhin mo at tanggapin ang gantimpalang ito dahil sa matagumpay mong natapos ang misyong iniatang ko sa iyong balikat..."...................................................................................................................................................



"......sleep peacefully now my Child, I know that you'll go away,to a place where your dreams can stay..."

Paalam, Francis...lalagi ka sa aming ala-ala......................................................